LAHAT tayo—well, karamihan sa’tin, nararanasan magcommute.
Sumakay ng tatak pinoy na jeepney. Parang karugtong na sila ng umbilical cord
natin. Di ka legit na pinoy kung di ka nakasakay ng jeepney (kahit once in your
life). Sanay na tayo sa gitgitan para lang makasabit sa jeep, sa pag-“pull d
string 2 STUFF” at pakikisalamuha sa mga jeepney driver, kundoktor, barkers at
kapwa commuters. Pero ituon muna natin ang ating atensyon sa mga minamahal
nating… jeepney drivers.
Yes, mga jeepney drivers na sumisigaw ng “sakay na,
sakay na. Konting ipit-ipit lang nang makaalis na tayo,” na dinadaig si Justin Bieb—One
Direction pagdating ng rush-hour dahil dinudumog ng mga nagmamadaling fans—pasahero.
Pero kahit ga’no tayo katuwa makita sila matapos ang ilang minutong
pag-hihintay sa pila o sa abangan ng sasakyan, sadyang may mga tipo nilang di
natin maiwasang kainisan, kamuhian, kasuklaman. Now. Let’s run down our top 9 kaiinis-inis, masakit sa bangs na jeepney drivers
(in no particular order. Na-istress na nga akong isipin sila, pag-re-rate-in
nyo pa ‘ko? Di ba pwedeng kayo na lang?) Anyway, our top 9:
THE FRUSTRATED F1
RACER
Isn't it EXCITING? Isn't it AMAZING? Isn't it... DEADLY?
YES, IT IS.
Kuya, una sa lahat: gusto pa namin mabuhay. 60kph ang speed
limit, hindi 160. Yung otso pesos ko, di ko pa nababayad, lumagpas na ko sa
bababaan ko. Kfine. Nagmamadali tayong lahat. May quota ka ng number of trips,
may hinahabol din kaming oras. Pero sa pagkakatanda ko, di byaheng HEBEN ang
sinakyan ko. Wala tayo sa highway to hell. Lalong wala din tayo sa amusement
park at hindi ka operator roller coaster -- just to remind you in case
nakalimot ka.
Actually dati, feel
na feel ko sumakay sa mga gantong jeep. Nagbubunking, nagdidrift, sumeswerve,
humaharurot sa red light, nakikipag-gitgitan sa mga bus at feeling tricycle na
sumisingit sa mga eskinita. Pero nung may nakatabi akong lola na muntik na
atakihin sa puso at may nakita na kong tumilapon (true story. Cross my heart,
hope you die) na nakasabit sa jeep na pa-Antipolo habang nakatanaw ako sa
bintana, hume-head bang sa saliw ng sabog na bass music ng "patok"
jeep na sinasakyan ko at pumapapak ng roasted highland legiums--peeled. AY
PUCHA. Ekstrim na masyado ang mga pangyayari! Kaya punyemas, lechugas. Kung
ayaw mong pasabugin ko ang bungo mo. Jusko... PARA!
MR. SELECTIVE MEMORY
Pasahero 1: kuya, yung sukli po ng wanhandred? Bababa na po.
Driver: *sipol sipol* tralala~lala~lala~
Pasahero 2: kuya, yung sukli ng bente--
Driver: Hoy! Gago! Anong sukli sinasabi mo?? Tandang tanda
ko mukha mo. Ni hindi ka nga dumukot sa bulsa mo. Di ka pa nagbabayad!
Hanep. Ang galing, ano po? Pag suklian, kalimutan. Pag
bayaran, di mapakali. Dami pang sinasabi. Meron pang signboard na "God
knows HUDAS not pay" sa ilalim ng "pull d string 2 STAHP". Pero
ang sukli, pakiramdaman ng wagas. Umaasang medyo tangengot si pasahero't kakalimutan
na yung sukli. Tapos itotodo pa yung volume ng nakakarinding myusik, umaasa ka
rin bang mabasag ang eardrums namin at sumabog ang vocal chords kakahiyaw?
Napakahusay, manong. Isa kang dakila.
EDWARD SCISSOR JEEP
Malakas ang ulan. Payday-friday the 13th. At para mas masaya,
itapat na din nating balentayms--ay. Di pala pwede 14 pala yun. Anyway, so ayun
nga. Dagsa ang tao sa kalsada na akala mo may rebolusyong magaganap. 3 oras ka
nang nag-aabang sa sakayan ng jeep. Namamanhid ang legs, giniginaw, basang basa
sa ulan, nag-wewelga ang mga bulate sa tyan. What more can you wish for?
OPKORS, mga lechugas na jeepney driver na mahusay mangolekta ng pasahero para
ihatid sa kabilang kanto. Cutting trip.
Seryoso, manong. Kelangan talaga grab the opportunity para
makaipon ng maraming barya? Whatever happened to justice? Chivalry? Equality?
Faith in humanity? Hiraya manawari? Sineskwela? Mathtinik?
Sesamistriiit--*scoffs* di ka man lang naawa. Di ka man lang naawa kay lola.
Kay lola na 4 na oras nang naghihintay na makasakay at makauwi ng bahay. Si
ateng saleslady na dose oras nang nagtitiis sa heels nya. Si manang na buntis
ng 7 buwan na may bitbit na 5 buwang gulang na sanggol at 12 pang supling. How
could you? HOW? COULD? YOU?
MANONG ATATERS
"O, yung mga di pa nagbabayad dyan. Konting hiya."
Uh, eksmyuski. Kasasakay lang naming LAHAT. Di ba pwedeng
umupo muna kami? Di makapaghintay? Masyadong excited? Ikakayaman mo ba agad ng
bongga pag nakuha mo ng 30 seconds earlier yung mga barya namin? Pramis,
magbabayad kami. Jusmiyo. Kumalma ka.
MANONG UNLI
Sabi nga, pag mga lalaki ang nagkwentuhan, kung ano
pinagusapan nila am hour ago, pag binalikan mo, yun pa din maririnig mong
pinagkekwentuhan nila 3 days after. Pauulit-ulit, paikot-ikot, puno lang ng
palabok. Like, "Panis ulam namin kanina… (after 20 minutes) yung ulam na
ang sakit sa tyan. Langya, di ko maintindihan lasa… (after 40 minutes) as in,
WHOA. Pagkakain ko, nag-alburoto agad Mount Pinatubo sa sikmura ko. Diretso
inidoro, pre! (After one hour) …nagsisisi talaga ako sa kinain ko kanina. Sabi
na ngang kakaiba ung asim ng lechon, nilantakan ko pa."
Tapos ganyan driver ng jeep na sinasakyan mo sa EDSA. Parang
sirang tape recorder. Susme. Kalbaryo. Could you just please stab my ears with
scissors, garden scissors, and end my suffering?
THE GREAT
MATHEMATICIAN
“Kasya pa, kasya pa. Maluwag paaaa. Labing-lima sa bubong,
apat sa gulong. Konting usod, konting kembot. Isara ang mga hita, baka mautot.”
Sa ilang taon kong pagsakay sa jeepney, andami ko na ding naencounter na
WATDAFUQ moments. Tipong kasya pa daw tatlo, nung tangkain mong umupo, bulsa na
lang ng pantalon mo nakatukod sa upuan. Kung hindi lang ako late, manong,
hinampas na kita ng heels sa eyeballs at lumipat na ko ng jeep.
Syaman lang ang jeep mo. Hindi dosehan. Matutong magbilang.
Yung totoo, anong tingin mo sa jeep mo? Lata ng sardinas? Prison booth ba ito?
Na kelangan pagbaba naming ng jeep close-close na kaming lahat? Iba-iba ang
sukat ng pwet ng mga pasahero mo. Paki-consider.
MANONG ANGHIT GUHIT
Kuya, nung bang nagkaroon ng oplan tawas, di ka ba
nabiyayaan? Hindi pa ba sapat yung araw-araw na polusyong sinisinghot namin,
kelangan pati amoy mo guguhit sa nasal passageway namin? May hagod eh. Daig
chili pepper. Nakakasunog ng baga. Meron namang sachet na deodorant. Limang
piso lang. Pang-kara-cruz nga meron ka, tawas di makabili? Try mo lang. Para
freshness ka naman. Malay mo, apter dat, di ka na magtataka bakit di
mapuno-puno jeep mo’t nagmamadali magsibabaan mga pasahero mo.
THE RANT MACHINE
“Tengeneng motor yan. Tarantadong pedestrian. Gagong trapik
enporser. Sira-ulong tindero ng basahan. Walang hiyang byanan. Hinayupak na
kapitbahay. Punyetang kape, ang alat. Bwiset na winning number sa lotto. Di ko
makuha-kuha! Anak ng patolang buhay ‘to.”
Kuya, una sa lahat: wala akong PAKE. Ikalawa, I.DON’T.CARE.
Ikatlo, SYATTAP. Like, seriously. Di kami diary. Di ako si ate Charo o si tyang
Amy. Di ako in the mood para making sa mga hinaing mo sa buhay. Stressed din
ako, wag ka nang dumagdag pa. One more. One more reklamo, ipapasak ko na medyas
ng katabi ko sa bunganga mo. (yes. Nagrarant din ako. Pero ATLIT, di kita
pinipilit na making/ magbasa. Choice mo yan.)
THE LAWMAKER
Pasahero: Kuya, kulang sukli ko. Diba trese lang
Philcoa-Morayta. Estudyante.
Driver: Walang estudyante ng sabado.
Tengene, manong. Naka-uniporme ako. May ID. May bag. May
dalang notebook, textbooks at calculator. May pasok. Naka-enroll. Panong walang
estu-freaking-dyante ng sabado?? Anong tawag samin pag sabado? MARTIANS?! In
fairness, ang gago mo there. Gumagawa ka ng sarili mong batas. Anong next? Wala
na ding senior citizen pag linggo? Ikakayaman mo ba ng bongga ang pisong
ipagkakait mo sa mga kawawang estudyante na nagpapakahirap mag-aral at
pinagkakasya ang kakarampot na baon para lang makapasok sa eskwela?
Teka wait sandali. I know, wala na kong karapatan magreklamo
bilang gradweyt na ‘ko. Pero pucha. Pag naaalala ko, bumabalik talaga ang kulo
ng dugo ko. Lechugas. Facundo, i-BP mo nga ako! Magmadali ka!
Pero kahit ganyan sila, nakakajirits, masakit sa bangs, nakakakataas
ng presyon ng dugo. They make our everyday life easier, somewhat more
entertaining and interesting—in the most affordable rate. Kaya kahit sumpungin
si manong driver ng attitude and makes you wanna flip five tables in three
seconds, relax. Breathe in, breathe out, sabay dighay. Para “hayahay… ang buhaaaay.”
(Jusme. Eto pa. Peyborit radio station nila yan ‘no?? It’s so kaka-g-r-r-r.)